Elderly Week Celebration
Published: October 05, 2016 05:23 PM
Nagpaligsahan sa pagsayaw at pagrampa ang mga lolo at lola sa lungsod sa isinagawang Elderly Week Celebration ngayong araw (Oktubre 5) na may temang “Pagmamahal at Respeto ng Nakababata, Nagpapaligaya sa mga Nakatatanda”.
Tinanghal na Lola Queen 2016 si Angelina Lopez ng Barangay Malasin at nanalo naman sa dance competition ang mga kinatawan mula sa Barangay Abar 1st.
Nagkaroon din dito ng palarong 'Bring Me' na masayang sinalihan ng mga lolo at lola.
Nakatanggap din ng cash prize ang pinakamatanda sa kanila na si Mercedes Saptino na 89 na taong gulang.
Dumalo rin sa nasabing programa si Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang at ilang konsehal ng lungsod na ipinaabot ang taos pusong pagbati ng butihing Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador.
Ito’y bahagi pa rin ng mga programang nakalaan para sa ating mga Senior Citizen upang iparamdam sa kanila ang pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan at kilalanin ang kanilang mahalagang papel at kontribusyon sa lipunan.
Ang Elderly Filipino Week o Linggo ng Katandaang Filipino ay ipinagdiriwang taon-taon sa buong bansa tuwing unang linggo ng Oktubre sang-ayon sa Presidential Proclamation No. 470, s. 1994. (Jennylyn N. Cornel)