Epekto ng Habagat sa Lungsod
Published: July 23, 2018 05:19 PM
Sa ilang araw na walang tigil na pag-ulan sanhi ng Habagat at sunod-sunod na Low Pressure Area/ Tropical Depression, hindi rin nakaligtas sa pagbaha ang ilang mabababang lugar sa lungsod.
Lunes pa lamang ng nagdaang linggo, naka-monitor na ang City Disaster Risk Reduction & Management Office (CDRRMO) at ang Public Order & Safety Office (POSO) sa maaaring idulot na pagbaha ng masamang lagay ng panahon.
Ang pagbaha na naranasan sa ilang lugar nitong Sabado at Linggo ay dulot ng “saturation” ng mga lupa at flash flood mula sa tubig na umagos sa kabundukan at nagpaapaw ng mga ilog at irigasyon.
Naging maagap naman ang mga ahensiya ng Lokal na Pamahalaan sa monitoring, rescue and relief operations sa mga apektadong lugar. Maging ang Punong Lungsod Kokoy Salvador ay personal na sumama sa mga operasyon upang makita ang sitwasyon ng pagbaha.
Subalit mapapansin din na ang pagbaha noong Linggo ng gabi ay saglit lamang at makalipas nga ang ilang oras ay humupa na ang baha sa mga lugar ng Encarnacion, Pinagcuartelan, Sto. Niño 2nd, Malasin, at iba pa. Patunay lamang ito na ang waterways sa lungsod ay malilinis at walang bara dahil sa maigting at regular na operasyon ng Oplan Daloy bago pa man sumapit ang tag-ulan. Maagap din ang pagtulong na ginawa ng POSO sa cleaning operations sa mga eskwelahang naapektuhan.
Sa mga ganitong sitwasyon, makikita ang kahalagahan ng pag-iingat sa kalikasan at sa tamang pamamahala ng basura. Patuloy na pinaalalahanan ang taong bayan na huwag magtatapon ng basura sa anumang waterway (kanal, irigasyon o ilog) sa lungsod.
Samantala, tuloy pa rin ang relief operations na ginagawa sa ilang apektadong lugar ngayong araw.