Events Management NC III ng TESDA
Published: July 15, 2021 10:00 PM
Patuloy sa pagbibigay ng oportunidad ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga nagnanais makatanggap ng libreng skills training, sa ilalim ng kanilang Training for Work Scholarship Program.
Kaugnay nito, sumalang sa unang araw ng Training Induction Program (TIP) kahapon (July 14) sa Learning and Development Room ng City Hall ang dalawampu’t limang (25) kuwalipikadong iskolar ng kursong Events Management NC III ng TESDA, matapos nilang sumailalim sa oryentasyon.
Mag-aaral sa pamamagitan ng blended learning sa loob ng labing-apat (14) na araw ang mga naturang TESDA scholar, kung saan sampung (10) araw ang kanilang magiging klase online at apat (4) na araw naman ay ilalaan sa face-to-face.
Bukod sa libreng pagsasanay at pagtatasa o assessment, makatatanggap din sila ng P160.00 daily allowance sa loob ng labing-apat (14) na araw, P500.00 internet allowance, at Personal Protective Equipment o PPE allowance.
Naisakatuparan ang programang ito sa pakikipag-ugnayan ng TESDA sa Lokal na Pamahalaan sa patnubay ni Mayor Kokoy Salvador katuwang ang City College of Technology and Trade Inc., at sa pamamahala ng Public Employment Service Office o PESO.
Ang Training for Work Scholarship Program ng TESDA ay isang tugon sa isyu ng "job skills mismatch" na naglalayong matiyak na mapupunan ang "labor force requirement" ng iba’t ibang industriya