EXECUTIVE ORDER NO. 11, S.2021
Published: March 23, 2021 03:00 AM | Updated: January 13, 2022 01:01 PM
READ!!!
EXECUTIVE ORDER NO. 11, S.2021
A directive imposing stern measures from March 24, 2021 to April 4, 2021, in consonance with Resolution Nos. 103 & 104 of the National Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (NIATF-EID)
MGA MAHAHALAGANG BAGAY NA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA EO NA ITO:
- Bawal lumabas ang may edad 17 yrs pababa at 66 yrs pataas, gayundin ang mga buntis, mga may sakit sa immune system, may co-morbidity, o iba pang health risks, maliban kung nasasakop ng probisyon ng EO na ito.
- Bawal ang anumang uri ng mass gathering.
- Ang mga kasal, binyag, libing at iba pang okasyon tulad ng birthday, reunion, at picnic ay kailangang limitado lamang sa sampung katao.
- Ang mga relihiyosong pagtitipon ay kailangang limitado lamang sa 30% capacity.
- Bawal ang sabong.
- Hindi maaaring mag-operate ang mga driving school, video/ gaming arcade.
- Ang mga pagpupulong na ginaganap sa isang events place ay kailangang essential business gathering lamang, at sinusunod ang 30% venue capacity.
- Ang mga ahensyang nasyonal ng pamahalaan hangga’t maaari ay hindi muna dapat gumawa ng mga aktibidad na may maramihang pagtitipon.
- Hindi hinihikayat ang pagdalaw sa ibang bahay, kamag-anak man o hindi.
- Mahigpit na pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar.