Executive Orders »


EXECUTIVE ORDER NO. 17, S.2021

Published: September 15, 2021 11:00 AM   |   Updated: January 13, 2022 01:00 PM



MAHALAGANG PAALALA  TUNGKOL SA PATULOY NA PAGTAAS NG KASO NG COVID-19 SA LUNGSOD
Ang EXECUTIVE ORDER NO. 17, S.2021 na inilabas noong APRIL 2021 ay patuloy na umiiral sa Lungsod San Jose.

(AN ORDER AMENDING EO NO. 14, S.2021 AND IMPLEMENTING ADDITIONAL GUIDELINES.)
MGA BAGAY NA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA KAUTUSANG ITO:
- Bawal ang anumang uri ng mass gathering.
- Ang mga kasal, binyag, libing at iba pang okasyon tulad ng birthday, o reunion ay kailangang limitado lamang sa SAMPUNG KATAO.
- Kailangang sumunod sa minimum health standards sa lahat ng pagkakataon. Mahigpit na pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar.
- Bawal lumabas ang may edad 17 yrs pababa at 66 yrs pataas, gayundin ang mga buntis, mga may sakit sa immune system, may co-morbidity, o iba pang health risks, maliban kung nasasakop ng probisyon ng EO na ito.
- Pansamantalang ipinatitigil ang operasyon ng mga sumusunod:
x Pampublikong resort (pwede ang paupahang resort kung eksklusibo sa 10 katao lamang ang kabuuan)
x Beerhouse/ pub/ club/ karaoke bar
x Sabong
x Amusement center, playground, playroom, kiddie ride, gaming arcade
- Kung dati ay 30%, lahat ng mga negosyong hindi nabanggit sa taas ay maaari lamang magpatuloy sa kanilang operasyon hanggang 10% capacity. (Hindi kasama rito ang frontline health care services & establishments.)
- Kung dati ay 30%, ang mga relihiyosong pagtitipon ay kailangang limitado lamang sa 10% capacity.
- Ang mga pagpupulong na ginaganap sa isang events place ay kailangang essential business gathering lamang, at sinusunod ang 10% venue capacity.
- Ang mga ahensyang nasyonal ng pamahalaan hangga’t maaari ay hindi muna dapat gumawa ng mga aktibidad na may maramihang pagtitipon.
- Hindi hinihikayat ang pagdalaw sa ibang bahay, kamag-anak man o hindi.
- Ang curfew ay mula 9 PM hanggang 4 AM.
- Epektibo ang EO na ito mula April 29 hangggang may panibagong anunsyo.
- Magmumulta ng 1,000 pesos ang mahuhuling lumalabag sa City Ordinance No. 20-021.
- Inaatasan ang mga ahensiya ng PNP, CHO, POS, at mga kapitan ng barangay sa pagpapatupad ng mga guidelines na nasa EO na ito.