Executive Order No. 37, S.2021
Published: September 22, 2021 05:00 AM | Updated: January 13, 2022 01:00 PM
BASAHIN!!!
EXECUTIVE ORDER NO. 37, S.2021
AN ORDER REVISING EO NO. 17, S.2021 AND PERFORMING STRICTER MEASURES TO REGULATE MOVEMENT IN RESPONSE TO THE PRESENT COVID-19 SITUATION CONDITIONS IN THE CITY
MGA MAHALAGANG BAGAY NA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA KAUTUSANG ITO:
- Bawal ang anumang uri ng mass gathering. Inirerekomenda ang virtual meeting sa halip na face-to-face meeting.
- Bawal ang dine-in sa lahat ng restaurant, fast food, cafe, o carinderia. Para sa mga ito, DELIVERY at TAKE-OUT lamang ang pinapayagan.
- Ang mga kasal, binyag, libing at iba pang okasyon tulad ng birthday o reunion ay kailangang limitado lamang sa SAMPUNG KATAO.
- Ipinagbabawal ang burol para sa mga labi ng yumao dahil sa COVID-19 (RT-PCR o antigen man ang isinagawang test), maging sa mga yumao sa kanilang tahanan na may hindi alam na sanhi. Sa mga ganitong kaso, kailangan mailibing o ma-cremate sa loob ng labindalawang oras ang labi ng yumao.
- Ang mga meeting, incentive, conference at exhibition (MICE) na ginaganap ay kailangang ESSENTIAL BUSINESS GATHERING lamang, at sinusunod ang 10% venue capacity.
- Ang mga events place, hall, o private resort ay kailangang kumuha ng permiso sa BPLO sa kanilang mga event. Magkakaroon ng monitoring team ang Local IATF upang makasigurong nasusunod ang health & safety protocols sa mga ganitong lugar.
- Ang mga relihiyosong pagtitipon ay kailangang limitado lamang sa 10% capacity..
- Kailangang sumunod sa minimum health standards sa lahat ng pagkakataon. Mahigpit na pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask at face shield sa mga pampublikong lugar.
- Bawal lumabas ang may edad 17 yrs pababa at 66 yrs pataas, gayundin ang mga buntis, mga may sakit sa immune system, may co-morbidity, o iba pang health risks, maliban kung nasasakop ng probisyon ng EO na ito.
- Pansamantalang ipinatitigil ang operasyon ng mga sumusunod:
x Pampublikong resort (pwede ang paupahang resort kung eksklusibo sa SAMPUNG KATAO lamang ang kabuuan)
x Beerhouse/ pub/ club/ karaoke bar
x Sabong
x Amusement center, playground, playroom, kiddie ride, gaming arcade
x Gym at indoor fitness activity
x Spa
- Ang mga negosyong hindi nabanggit sa Section 6 at 7 ng EO na ito ay maaari lamang magpatuloy sa kanilang operasyon hanggang 10% capacity. (Hindi kasama rito ang frontline health care services & establishments.).
- Lahat ng laboratoryong nagsasagawa ng RT-PCR at antigen test ay kailangang magsumite ng listahan ng mga nagpo-positibo sa mga test na ito araw araw sa City Health Office - Disease Surveillance Officer.
- Ang mga ahensiyang nasyonal ng pamahalaan hangga’t maaari ay hindi muna dapat gumawa ng mga aktibidad na may maramihang pagtitipon.
- Hindi hinihikayat ang pagdalaw sa ibang bahay, kamag-anak man o hindi.
- Ang curfew ay mula 9 PM hanggang 4 AM.
- Epektibo ang EO na ito mula September 23 hangggang may panibagong anunsyo.
- Magmumulta ng 1,000 pesos ang mahuhuling lumalabag sa City Ordinance No. 20-021.
- Inaatasan ang mga ahensiya ng PNP, CHO, POS, at mga kapitan ng barangay sa pagpapatupad ng mga guidelines na nasa EO na ito.