News »


Face Shields Distribution

Published: September 09, 2020 12:00 AM



Dalawang libong face shield ang libreng ipinamigay nitong hapon, September 9, sa mga tindero at tindera sa palengke bilang dagdag proteksiyon laban sa sakit na COVID-19.

Kasama ang Punong Lungsod Kokoy Salvador, nag-ikot sa palengke ang mga kawani ng Public Market sa pangunguna ni Public Market OIC Danilo Ariem para mabigyan ng face shields ang mga nagtitinda roon.

Minabuti ng lokal na pamahalaan na mamahagi ng face shield bunsod na rin ng pagkakaroon ng panibagong dalawang kaso ng COVID-19 sa mga market vendor, at para mapigilan ang paglaganap ng sakit na ito sa lungsod.

Nito lamang Setyembre 7, inaprubahan ng IATF ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa mga supermarket, palengke, mall, at mga opisina sa gobyerno sa bisa ng IATF Resolution No. 68.