Farmers Field School on Ampalaya Production Graduation, idinaos
Published: October 06, 2017 04:45 PM
Tatlumpung (30) magsasaka ang nagtapos sa Farmers Field School on Ampalaya Production na programa ng Provincial Agriculture Office na naisakatuparan naman sa pamamagitan ng City Agriculture Office.
Ang mga naturang magsasaka ay pawang mga residente ng Brgy. Porais at Villa Joson na benepisyaryo naman ng Philippine Rural Development Project.
Sa kanilang 16 na linggong pag-aaral, itinuro sa kanila ang tamang pagtatanim ng ampalaya at kung paano nila mapaparami ang kanilang pananim. Kabilang din sa mga natutunan nila ang organic farming o ang paggamit ng mga organikong pataba.
Ginanap kahapon (October 5) ang graduation na dinaluhan nina City Agriculturist Violeta Vargas, Provincial Agriculturist Serafin Santos, at nagsilbi namang panauhing tagapagsalita sina HVCDP Focal Person-ATI-RTCII Mario Lapitan at Edwin Paningbatan.
Umaasa naman ang Provincial at City Agriculture Office na magagamit ng mga magsasaka ang kanilang mga napag-aralan sa pagpaparami ng kanilang tanim na ampalaya.
(Ella Aiza D. Reyes)