Farmer's Fiesta
Published: March 03, 2023 06:00 PM
Bidang-bida ang mga magsasaka sa ginanap na Farmer's Fiesta ngayong araw (Marso 3) na inorganisa ng City Agriculture Office (CAO).
Tampok sa programa ang iba’t ibang nakatanim na gulay sa Demo Farm ng CAO, gayundin ang iba’t ibang produkto ng ilang mga samahan at kooperatiba gaya ng cassava chips, tinapa, mushroom fruiting bags, at tsinelas.
Nagpamigay naman ang CAO ng mga libreng buto ng gulay at bitamina para sa mga pananim.
Nakiisa sa selebrasyon sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, pati na rin sina City Councilor Vanj Manugue, Mawie Munsayac-dela Cruz, at Trixie Salvador-Garcia.
Inanunsiyo rin ni City Councilor Munsayac-dela Cruz, Committee on Agriculture and Cooperatives Chairperson ang mga plano at proyekto ng lokal na pamahalaan para sa sektor ng agrikultura, gaya ng Gulayan sa Bakuran na inilunsad sa mga asosasyon ng Potable Water Systems (POWAS).
Paliwanag ni Vice Mayor Ali, layunin ng lungsod na magkaroon ng gulayan sa lahat ng barangay sa lungsod upang hindi na problemahin pa ng mga mamamayan kung saan makakukuha ng pagkain.
Bukod pa rito, binanggit din ni Vice Ali na isa ang Lungsod San Jose sa mga magiging benepisyaryo ng Philippine Rural Development Project (PRDP) na siyang makatutulong sa pagpapagawa o pagpapaayos ng mga farm-to-market (FTM) roads at mga tulay para sa mga magsasaka.
Samantala, lalong pinasigla ang okasyon sa mga ginanap na palaro at TikTok Dance Competition.
Ito na ang ikalawang Farmer’s Fiesta at ayon kay City Agriculturist Francisco Dantes, sa susunod na taon ay pipilitin ng kanilang tanggapan na isabay ito sa unang araw ng pista ng lungsod.