Pagibang Damara Festival 2024 »
Farmers' Fiesta #PagibangDamaraFestival
Published: April 17, 2024 04:00 AM | Updated: May 30, 2024 04:14 PM
Tampok ngayong araw na ito ang Farmers Fiesta: Araw ng Magsasaka bilang bahagi ng selebrasyon ng Pagibang Damara Festival.
Nasaksihan dito ang 10 sasakyang pang-agrikultura na dinesenyuhan ng damara at mga inaning produkto ng mga kooperatiba at samahan ng magsasaka mula sa iba't ibang barangay ng lungsod.
Nagparada ang mga ito mula City Social Circle patungong City Agriculture Office (CAO) sa Brgy. Malasin kung saan idinaos ang programa.
Dumalo sa programa si Mayor Kokoy Salvador na nagpahayag ng kanyang pagpupugay sa mga magsasaka, gayundin si Vice Mayor Ali Salvador kasama ang iba pang miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Nakibahagi rin dito ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture (DA) Regional Field Office 3 at Provincial Office.
Samantala, itinanghal na kampeon sa Float Parade Competition ang KALASAG Multi-Purpose Cooperative ng Brgy. San Agustin, 1st runner-up ang UHAY (Usbong ng Halaman ay Buhay) ng Brgy. Villa Marina, at 2nd runner-up ang Magilas Villa Joson Farmers Association and Villa Joson Small Water Impounding Irrigators Association Incorporated.
Nakatanggap ang mga lumahok at nanalo ng iba't ibang papremyo gaya ng mushroom fruiting bag, vermicast, at mga kagamitang pansaka mula sa East-West Seed Corporation.
Inilibot din ang mga dumalo sa Demo Gulayan at bagong tayong hydroponics facility ng CAO.