Farmers ng SJC, nagbahagi ng kaalaman sa mga foreigners
Published: September 04, 2017 07:43 PM
Ibinihagi ng KALASAG farmers sa mga bisita mula sa Nepal at Sri-lanka ang tungkol sa tamang pag-oorganisa ng mga plano para sa kanilang mga produkto, nitong nakaraang Huwebes (August 31) sa Brgy. San Agustin.
Tinalakay ng City Cooperative Development Office sa pangunguna ni Hannah Domingo ang paggabay na ginagawa ng LGU sa KALASAG farmers upang maging matagumpay ang kooperatiba.
Ang mga delegado ay miyembro ng Asia-Pacific Rural and Agricultural Credit Association o APRACA CENTRAB, isang non-government international organization na nagbigigay ng pinansiyal na suporta sa mga magsasaka sa kanilang bansa.
Layunin ng pagbisita ang makapulot ng tamang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng pagpaplano para sa tamang produksyon ng kanilang produkto, at maunawaan ang mga serbisyong hatid ng programang ito sa mga magsasaka ng nasabing bansa.