Fire Prevention Month, Inoobserbahan
Published: March 02, 2018 04:45 PM
Sama-samang naglakad para sa isang Unity Walk ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Huwebes (March 1) bilang panimulang aktibidad para sa Fire Prevention Month ngayong Marso, ang buwan kung kailan nagsisimula ang mataas na insidente ng mga sunog.
Nag-umpisa ang walk mula sa tanggapan ng BFP papuntang San Jose City National High School at dito sabay-sabay na humataw ang mga lumahok sa pamamagitan ng isang zumba na pinangunahan ng mga miyembro ng ZITC Fitness Program ni Mayor Kokoy Salvador.
Kasama rin dito ang mga kawani ng PNP, BJMP, Makisig 3121, mga empleyado ng lokal na pamahalaan, civic society organization, NGOs, pati na rin mga guro at estudyante mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod.
Matapos ang zumba ay nag-motorcade din sa bayan ang mga naturang ahensiya kasama ang ilan pang pribadong sektor para palaganapin ang kampanya tungkol sa kaligtasan at pag-iwas sa sunog.
Naghandog naman ng isang mainit na sopas ang mobile kitchen ng lungsod para sa lahat ng mga nakiisa sa naturang programa.
Pebrero pa lamang ay nauna nang nagkaroon ng aktibidad ang BFP San Jose para sa Fire Prevention Month nang magdaos ito ng isang Poster Making Contest.
Labing-dalawang (12) mag-aaral mula sa pampubliko at pribadong paaralan ang nakilahok sa paligsahan kung saan gumuhit at sumulat sila alinsunod sa tema ng Fire Prevention Month ngayong taon na “Ligtas na Pilipinas ang ating hangad, pag-iingat sa sunog sa sarili ipatupad.”
Nanalo bilang 1st place sa poster-making contest ang obra ni Jasper Miranda ng Palestina Elementary School, habang si John Paul Prado ng San Jose City National High School ang nanguna sa paggawa ng poster, at ang essay na sinulat ni Alexsandria Santos ng Elim School for Values and Excellence naman ang nagwagi.
Magiging kinatawan ng lungsod sa Regional Level ang mga nagsipagwagi at ang papalarin namang manalo rito ang ilalaban sa National Level.
(Rozz Rubio & Ella Aiza Reyes)