News »


First 100 Days of Bagong San Jose

Published: October 12, 2016 11:11 AM



Ibinida ni Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador ang mga programa at proyekto ng Lokal na Pamahalaan na naisakatuparan sa loob ng first 100 days ng kanyang administrasyon nitong Lunes (Oktubre 10) kasunod ng Flag Raising Ceremony sa City Social Circle.
Dama naman ng halos 2,500 San Josenian na dumalo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang ang religious, youth, senior citizen, NGOs at mga opisyal ng gobyerno ang tagumpay ng Bagong San Jose.
Kabilang sa mga ibinahagi ni Mayor Kokoy ang patuloy na pagsuporta ng pamahalaan sa mga programa, gaya ng sumusunod:
- Pagkakaroon ng klinika, laboratoryo at libreng gamot sa botika para sa mahihirap
- Pagpapatuloy ng scholarship program at mas pinalaking scholarship assistance na P7,000 mula sa dating P5,000 per scholar
- TESDA Accredited Certified Courses na ino-offer sa San Jose City Skills Training Center at MKS Advance Training Institute
- Mas mababang prangkisa para sa mga bagong Tricycle Operators - dating P1,100.00 naging P600.00 na lamang (mula Oct. 17- Dec. 29, 2016)
- City Beautification Program (clock tower, re-painting of dilapidated building along the highway, re-greening of City Social Park)
- Control system para sa mas epektibong operasyon ng traffic light
- Night Market at Free Zumba
- Mas magandang serbisyo ng Engineering Office (Oplan Daloy, desilting, paglilinis ng mga kanal)
- Mas maayos na palengke
- Mas malinis, maaliwalas at ligtas na lungsod
Nilinaw din ng Punong Lungsod na hindi galing sa kaban ng bayan ang pondong ginagamit para sa re-painting ng mga gusali sa City Proper, kundi ito ay donasyon ng mga kababayang may malasakit sa bayan.
Ipinakiusap din ni Mayor Kokoy na magkaisa at magsama-sama para sa maganda at mas mabilis na pag-unlad ng lungsod.
Nagpasalamat pa ang Mayor sa pakikiisa ng mga kasamahan niyang lingkod bayan para sa pagpapatuloy ng magandang takbo ng Lungsod ng San Jose. (Rozz Agoyaoy-Rubio)