Food Handling and Good Manufacturing Practices at How To's of Food and Drug Administration Seminar
Published: July 22, 2021 10:00 PM
Nagsagawa ng pagsasanay para sa Micro, Small, and Medium Entrepreneurs (MSMEs) na bahagi ng food industry sa lungsod ang Department of Trade and Industry (DTI) – Nueva Ecija katuwang ang San Jose City Cooperative Office nitong Huwebes, July 22, sa Learning and Development Room ng City Hall.
Naging paksa ng naturang programa ang “Food Handling and Good Manufacturing Practices (GMP)” at “How To’s of Food and Drug Administration (FDA) – License to Operate (LTO) Accreditation”.
Ipinaliwanag dito ang responsibilidad ng mga food handlers & service providers at ang kahalagahan ng pagpapatupad sa mga nakasanayang etika maging ang wastong kalinisan o proper hygiene sa paghawak ng pagkain.
Dagdag pa rito, inilahad din sa pagsasanay ang mga patnubay at hakbang sa aplikasyon para sa FDA upang makakuha ng LTO.
Layunin ng pagsasanay na magbigay ng angkop na kaalaman na makatutulong sa MSME’s upang maitaas ang kalidad ng kani-kanilang proseso sa paggawa ng pagkain; gayundin upang maipabatid ang mga kinakailangang hakbang sa aplikasyon sa pagkuha ng LTO mula sa FDA, na magbibigay ng kasiguraduhan sa mga konsymer na ligtas at de-kalidad ang kanilang mga produkto.