News »


Free Zumba at PAG-ASA Sports Complex

Published: September 22, 2016 08:44 AM



Para maging physically fit at healthy ang mga San Josenians, nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng libreng zumba para sa ating lahat.

Nauna na rito, nagkaroon na ng kick-off free Zumba Marathon nitong Setyembre 20 sa Pag-asa Sports Complex na dinaluhan ng mga kababayan nating San Josenians.

Isasagawa ang nasabing programa Lunes hanggang Biyernes, 6-7:30 pm sa 2nd Floor ng Public Market at maging sa K-Outreach Program ng lokal na pamahalaan tuwing Martes at Miyerkules sa mga barangay sa lungsod.

Katulong naman ng pamahalaang lokal sa pagsasagawa ng programang ito sina Ms. Mona Liza Vera-Jardinero at Ms. Lilybeth Yacan-Tagle.
Inaanyayahan ang lahat na tangkilikin at daluhan ang aktibidad na ito para magkaroon ng malusog na pangangatawan.