Fun Ride 2022
Published: September 01, 2022 01:00 PM
Inumpisahan ang unang araw ng Setyembre ng Fun Ride ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan bilang pagsisimula ng selebrasyon ng Buwan ng Serbisyo Sibil.
Nagtipon-tipon ang mahigit 100 kalahok sa City Social Circle nitong umaga, kasama sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador para suportahan ang aktibidad na inorganisa ng City Human Resource Management Office (CHRMO).
Idinaos muna ang maikling programa para opisyal na buksan ang aktibidad kung saan kapwa nagpaalala sina Mayor Kokoy at City Human Resource Management Officer Romeo Yacan Jr na enjoyin lang ang pagbibisikleta at hindi ito karera.
Kaugnay nito, sinimulan ang pagpadyak ng mga kalahok bandang 5:30 ng umaga at tinahak ang ruta papuntang Camanacsacan, Sinipit Bubon, Tondod, Dizol, Parang Mangga, Tabulac, at Tulat hanggang sa makabalik sa munisipyo.
Matapos ang higit isang oras na pagbibisikleta, unang nakarating sa finish line sina Romulo Gripal at Michele Salmo ng Tanggapan ng Sangguniang Panlungsod (SP) at itinanghal na King and Queen of the Road.
Pumangalawa naman sina Oscar Pagarigan (SP) at Irish Nicolas (Engineering Office), habang sina Richard Beltran (City Population Office) at Jocelyn Mendrez (CENRO) ang nakakuha ng ikatlong puwesto.
Kinilala rin ang mga Early Bird sa Fun Ride na sina Dorie Manalang, Analyn Mangaser, Liberty Tomas, Alfred Fider, Jesus Mitra, at Victor Gonzalez.
Tumanggap ng bike accessories ang mga nagwagi bilang gantimpala at token namaan para sa lahat ng sumali.
Samantala, iba’t ibang programa at aktibidad pa ang inaasahang isasagawa ng lokal na pamahalaan ngayong Setyembre para ipagdiwang ang 122nd Philippine Civil Service Anniversary na may temang: “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes”.