News »


Gabi ng Mamamayan

Published: April 24, 2023 08:00 PM



Nagtipon-tipon sa Gabi ng Mamamayan ang mga opisyal ng mga barangay sa lungsod, kasama ang ilang residente sa ikalimang gabi ng Pagibang Damara Festival nitong Sabado, Abril 22.

Dinaluhan ito ni Vice Mayor Ali Salvador at mga konsehal, gayundin si Mayor Kokoy Salvador at kanyang maybahay na si Gng. Veronica Salvador na nakisayaw sa naturang programa na idinaos sa City Social Circle.

Nagbigay aliw naman sa mga manonood ang mga nagtanghal ng pampasiglang bilang dito kabilang ang grupo ng mga tanod ng Brgy. Tulat, Kalinga Ladies, at Team Wellness ng Brgy. Porais.

Idinaos din sa programa ang paggawad ng pagkilala sa Lupong Tagapamayapa ng mga barangay na pumasa sa pamantayan ng Assessment and Validation Team, sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kasama ang MTCC, Prosecutor’s Office, CSI-IG, at Peace and Order Council.

Nakamit ng Brgy. Malasin ang unang puwesto, sumunod ang Brgy. Calaocan, at pangatlo ang Abar 1st na pawang nakatanggap ng cash incentives.

Nabigyan din ng consolation prizes ang walong barangay na kinabibilangan ng Porais, R Eugenio, Sto. Niño 2nd, Rafael Rueda, Canuto Ramos, Sto. Niño 1st, Culaylay at San Juan.

Bago matapos ang gabi ay nagkaroon pa ng raffle bonanza at nakapag uwi ng cash prizes ang mga mapalad na nabunot.