Pagibang Damara Festival 2024 »


Gabi ng Pasasalamat #PagibangDamaraFestival

Published: April 17, 2024 12:00 PM   |   Updated: May 29, 2024 03:37 PM



Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng San Jose City Pastoral Movement (SJCPM) kagabi, Abril 17 sa City Social Circle para sa Gabi ng Pasasalamat.

Ayon kay Vice Mayor Ali Salvador, isang pagbibigay pasasalamat sa lahat ng biyayang dumarating ang pagdiriwang ng piyesta, na sinang-ayunan ni Mayor Kokoy Salvador. Kaya't aniya, laging una ang pasalalamat sa Panginoon tuwing magdiriwang ng piyesta.

Samantala, napuno naman ng galak ang gabi sa pagtatanghal ni Ptr. Ruther Urquia kasama ang kanyang puppet na si Lolo Teddy.

Nagpamalas din dito ng galing at talento ang ilang grupo ng kabataang miyembro ng SJCPM.

Sa huling bahagi ng programa ay nagkaroon ng raffle draw kung saan nakapag-uwi ng iba't ibang appliances ang mga pinalad na manalo.

#PagibangDamaraFestival