Gatas ng Kalabaw at Kalikasan, Bumida rin sa City Day
Published: August 11, 2017 05:11 PM
Idinaos muli sa lungsod ang Gatas ng Kalabaw Festival nitong Agosto 9 na mainit na tinangkilik ng mga San Josenian.
Kung noong nakaraang taon ay isang higanteng kesong puti ang inihanda, ipinatikim naman ngayong 11th Gatas ng Kalabaw Festival ang pastilyas na inihugis sa napakalaking bulaklak.
Kasama sa pagdiriwang sina DTI Nueva Ecija Provincial Director Brigida T. Pili, DTI Region III Regional Director Judith P. Angeles, Dr. Arnel N. del Barrio ng Philippine Carabao Center, Engr. Romeo. S Cordero ng Department of Agrarian Reform, City Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda Macadangdang at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan.
Isinagawa rin sa programa ang Ceremonial Launching of Milk Supplementation Program at milk toast kung saan kasama rin ang mga mag-aaral ng San Jose West Central School sa pag-inom ng masustansiyang gatas ng kalabaw.
Kasabay ng pagdiriwang ng Gatas ng Kalabaw Festival ay binuksan din sa publiko ang Trade Fair sa Pag-asa Sports Complex kung saan tampok ang iba’t ibang produkto hindi lamang ng San Jose kundi pati mga kalapit bayan.
Samantala, isinagawa rin ang Awarding Ceremony para sa Search for Makakalikasang Barangay sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO).
Inilunsad ang nasabing patimpalak upang palakasin ang pamumuno at partisipasyon ng mga barangay sa pagpapatupad ng mga programa at batas pangkalikasan. Layunin din nitong maiangat ang “compliance rate” o pagsunod sa Republic Act 9003 na nagtatakda ng makakalikasang pamamahala sa basura.
Sa pamamagitan ng programang ito ng CENRO, nabibigyan din ng kaukulang pagkilala at insentibo ang mga barangay.
Kaugnay nito, kinilalang Natatanging Makakalikasang Barangay ang R. Eugenio na tumanggap ng cash incentive na labing-limang libong piso; habang pinarangalan naman bilang Masigasig na Makakalikasang Barangay ang Sibut, Kita-Kita, Crisanto Sanchez, Canuto Ramos, Bagong Sikat, Villa Joson, San Mauuricio, at San Juan na pawang tumanggap ng tig-sampung libong piso.
Pinarangalan ding Makakalikasang Barangay at nabigyan ng limang libong pisong insentibo ang Pinili, Palestina, Villa Floresta, Porais, Abar 1st, Culaylay, Villa Marina, Tondod, at Sto. Niño 3rd.
Ang Barangay Dizol, Caanawan, Sto. Niño 2nd, Parang Mangga, Camanacsacan, Tulat, Abar 2nd, Kaliwanagan, Sto. Tomas, Tabulac, Calaocan, at Malasin ay binigyan naman ng Gawad Pagkilala at tatlong libong piso. Kinilala rin ang FE Marcos, Rafael Rueda, A. Pascual, San Agustin, Tayabo, Sto. Niño 1st, Manicla, at Sinipit Bubon.
Matapos ang paggawad ng mga parangal sa mga barangay ay sabay-sabay na binigkas ang Pledge of Commitment for the Environment. Umaasa naman ang lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng mga ganitong programa ay maaabot at mapapanatili ang isang malinis, maganda at malusog na kapaligiran alinsunod sa Republic Act 9003 na nagtatakda ng makakalikasang pamamahala sa basura at nagbibigay ng responsibilidad sa barangay upang mangolekta nito.
(Gina Pobre)