News »


Gawad Kalinga Community, abot-kamay na ang PhilHealth

Published: September 27, 2017 05:33 PM



Bagong pribilehiyo ang muling binuksan para sa mga residente ng Gawad Kalinga Community sa Brgy. Sto. Niņo 3rd nang ilunsad ang kasunduan sa pagitan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Gawad Kalinga (GK) Community Development Foundation ngayong araw, Setyembre 27.
Tinatayang 30 pamilya dito ang makikinabang sa buong benepisyo ng PhilHealth.
Sa pagbuo ng PhilHealth iGroup, ang mga miyembro ay naka-enroll bilang isang grupo, tulad ng mga kooperatiba o mga organisasyon tulad ng Gawad Kalinga.
Ayon sa kinatawan ng PhilHealth, layon nito na lahat ng Pilipino ay mabigyan ng PhilHealth o benepisyong pangkalusugan lalo na sa mga komunidad tulad ng Gawad Kalinga at iba pang pamilya na hindi makapagbayad ng sariling premium.
Dagdag pa rito, ang point-of-service at point-of-care ay ibinigay sa mga ospital at Rural Health Unit upang mabigyan ng libreng PhilHealth ang dapat makagamit ng pondo.
Kaugnay nito, ang Paanakang Bayan sa lungsod ay nagke-cater na ng point-of-care (POC) sang-ayon sa pagnanais ni Punong Lungsod Kokoy Salvador na buo ang suporta sa mga programang pangkalusugan.
(Rozz A. Rubio)