News »


Grupo ng Kabataan, Aktibo sa Pagsuporta sa Lokal na Pamahalaan

Published: February 06, 2018 05:12 PM



Buhay na buhay ang pakikiisa ng mga kabataan sa mga aktibidad ng lokal na pamahalaan para sa mga programang pang-edukasyon.

Patunay nito ay ang pamamahagi kamakailan ng mga miyembro ng Tabulac Pag-Asa Youth Association (PYA) ng mga gamit pang-eskwela sa mga Day Care pupils at pagtulong sa feeding program ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Tuwang-tuwa naman ang mga bata sa mga natanggap na school supplies at inihaing masustansyang pagkain. Ipinakita rin ng ilang mag-aaral ang kanilang talento sa pagkanta.

Kabilang sa adbokasiya ni Punong Lungsod Kokoy Salvador ang hikayatin ang mga kabataan pagdating sa mga serbisyong pang-komunidad dahil naniniwala siyang malaki ang kontribusyon ng mga ito sa pag-unlad ng isang bayan.

Dumalo rin sa naturang programa sina Konsehal Patrixie Salvador at Konsehal Victoria Adawag na tumulong sa pamimigay ng mga gamit pang-eskwela.