News »


Gulayan sa Bakuran

Published: March 01, 2023 09:00 AM



Tulong-tulong sa proyektong Gulayan sa Bakuran ang mga miyembro at opisyal ng Potable Water System (POWAS) – Phase I sa Brgy. Sinipit Bubon nitong Martes (Pebrero 28) kung saan nagtanim sila rito ng sili, kamatis, at talong.

Katuwang sa proyektong ito ang City Agriculture Office na namahagi ng mga punlang itinanim para mas mapalago at maparami ang produksiyon ng mga naturang gulay.

Dinaluhan ang aktibidad ni Vice Mayor Ali Salvador kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod, habang nagpaabot naman si Mayor Kokoy Salvador ng kanyang pagbati at suporta rito.

Tiniyak pa ni Vice Mayor Ali na lahat ng gagamitin para sa gulayan ay manggagaling sa lokal na pamahalaan, bilang ito ay isang proyekto na naglalayong makatulong sa aspeto ng food security sa mga komunidad.

Aniya, mas maraming seedlings, mas marami din ang matutulungan.

Inilunsad ang nasabing proyekto nitong Pebrero 21 sa Brgy. Tayabo sa pakikipag-ugnayan ng POWAS Office ng lokal na pamahalaan.

Sinisimulan ang proyektong Gulayan sa Bakuran sa mga asosasyon tulad ng POWAS, hanggang sa umabot ang proyekto sa iba pang parte ng mga komunidad.