News »


Gulayan sa Bakuran sa Brgy. Villa Joson

Published: May 16, 2023 01:43 PM



Sama-samang nagtanim para sa Gulayan sa Bakuran sa Brgy. Villa Joson sina Vice Mayor Ali Salvador, ilang konsehal ng lungsod, opisyal ng barangay, mga mag-aaral ng Parilla Elementary School, at Asosasyon ng Potable Water System (POWAS) Phase 2 ng naturang barangay kaninang umaga (May 16).

Paalala ni Vice Mayor Ali, patuloy na magtulungan ang bawat isa para maalagaan at mapalago ang mga itinanim doon.

Dagdag pa niya, nakatutuwang makita na kasamang magtanim ang mga estudyante dahil ang ilan sa kanila ay hindi na interesado sa pagtatanim.