News »


Gulayan sa Bakuran - Sitio Sampugo, Kita-Kita

Published: March 21, 2023 02:47 PM



May Gulayan sa Bakuran na rin ang asosasyon ng Potable Water System (POWAS) sa Sitio Sampugo, Brgy. Kita-Kita matapos silang magtanim dito kaninang umaga (Marso 21), kasama ang mga mag-aaral at guro ng Sampugo Elementary School.

Nakiisa rin sa pagtatanim si Vice Mayor Ali Salvador, gayundin ang ilang konsehal ng lungsod at opisyal ng barangay para mapalaganap ang naturang proyekto sa mga komunidad.