News »


Gulayan sa Caanawan

Published: March 14, 2023 03:17 PM



Nagtanim ng mga sili at talong ang mga mag-aaral ng Sitio Cumabol Elementary School sa Brgy. Caanawan kaninang umaga (Marso 14) sa pagbubukas ng Gulayan sa Bakuran katuwang ang asosasyon ng Potable Water System (POWAS) doon.

Pinasinayaan ni Vice Mayor Ali Salvador ang nasabing programa kasama ang ilang konsehal ng lungsod.

Ayon kay Vice Mayor Ali, magandang isinama ang mga bata sa pagtatanim dahil maaaring maging daan ito upang mas mapalapit ang loob nila sa agrikultura.

Napag-usapan din ang pagdami ng konsyumer ng POWAS doon.

Kaugnay nito, tiniyak niya na sisikaping makapagpatayo ng isa pang POWAS sa Sitio Cumabol upang matugunan ang pangangailangan ng mga residente.