Gulayan sa Tondod
Published: March 07, 2023 03:27 PM
Isa na namang proyektong Gulayan sa Bakuran ang naisakatuparan ngayong araw (Marso 7) matapos magtanim ng sili, talong, at kamatis sa Brgy. Tondod ang mga mag-aaral ng San Raymundo Elementary School, katuwang ang asosasyon ng Potable Water System (POWAS) sa nasabing barangay.
Kasamang nagtanim si Vice Mayor Ali Salvador na aktibong isinusulong ang mga proyektong nagtataguyod ng food security sa mga komunidad.
Aniya, matutulungan ng naturang proyekto ang mga mamamayan doon sa mga panahong nagtataasan ang presyo ng gulay at iba pang bilihin.
Bilin ni Vice Mayor Ali sa mga dumalo, alagaan ang mga itatanim na halaman sapagkat gaya ng POWAS, walang mapupuntahan ang proyekto kung hindi ito pangangalagaan.
Dagdag pa niya, magandang isinama ang mga bata sa pagtatanim dahil naniniwala siyang magiging mas responsable ang mga ito at mas mahihilig sa gulay.
Umaasa rin si Vice Mayor Ali na magkaroon ng kanya-kanyang gulayan ang bawat residente sa kanilang bakuran pagdating ng araw.
Nakiisa naman sa proyekto at pagtatanim ang ilang konsehal kaya’t lubos ang pasasalamat ni Rogelio Corpuz, tagapangulo ng asosasyon ng POWAS sa Tondod sa walang sawang pagtulong at suporta ng lokal na pamahalaan.