Halos 200 kabataan, lumahok sa unang araw ng sports clinic
Published: May 17, 2018 04:47 PM
Pormal nang inilunsad nitong Martes, Mayo 16, ang unang araw ng Summer Sports Clinic na nilahukan ng 182 kabataan mula sa iba't ibang barangay sa lungsod.
Pinangunahan ng Sports Development Office katuwang ang Lokal na Pamahalaan ang libreng pagsasanay sa sports gaya ng basketball at swimming.
Bilang programa ng Lokal na Pamahalaan para sa mga kabataan, ang aktibidad na ito ay naglalayong mahubog ang kanilang galing sa sports at ipaalam sa kanila ang kahalagan nito habang sila’y nalilibang.
Magtatapos ang sports clinic para sa basketball sa May 20, samantalang ang swimming (1st batch) naman ay magtatapos sa May 25.
Inaanyayahan ang iba pang mga kabataan na sumali sa libreng pagsasanay sa lawn tennis, table tennis at karatedo na magbubukas sa Mayo 21 at sa swimming (2nd at 3rd batch) naman ay sa May 26.