News »


Health Education Promotion for Supplemental Immunization

Published: May 05, 2023 03:05 PM



Nagsagawa ng Health Education Promotion for supplemental immunization ang City Health Office (CHO) ngayong araw (Mayo 5) sa Learning and Development Room, City Hall bilang bahagi ng programang Chikiting Ligtas 2023 ng Department of Health (DOH).

Layunin ng programa na lalong hikayatin ang mga magulang na pabakunahan ang kani-kanilang mga anak laban sa tigdas (measles), rubella, at polio.

Dumalo sa programa si Regional Health Education and Promotion Officer Ma. Theresa Bondoc at aniya, ang pagbabakuna ay isa sa mga regalong maibibigay sa mga bata.

Isinasagawa ang Chikiting Ligtas sa buong bansa ngayong buong buwan ng Mayo kung saan may libreng bakuna kontra tigdas at rubella (MR) sa mga batang edad siyam hanggang 59 na buwan at bakuna kontra Polio (OPV) para sa mga 0 hanggang 59 na buwan.