Huling Batch ng Kabilang sa SFW Program, Nakaalis na
Published: May 25, 2023 07:58 AM
Nakaalis na ngayong araw (Mayo 25) papuntang South Korea ang huling batch ng mga San Josenio na kabilang sa Seasonal Farm Workers (SFW) Program.
Bago umalis ng lungsod, nagbigay muna ng kanilang mga mensahe ng suporta at mga paalala sina Vice Mayor Ali Salvador, City Councilor Trixie Salvador-Garcia, at Public Employment Service Office (PESO) Manager Lilybeth Tagle.
Nagsagawa rin ng send-off program sa City Hall kahapon kasabay ng pamimigay ng visa ng 134 na SFW na lumipad kanina.
Matatandaang pormal na nilagdaan noong Marso 9 nina Mayor Kokoy Salvador at Mayor Young-jae Shin ng Hongcheon-Gun, Gangwon Province, South Korea ang Memorandum of Understanding (MOU) hinggil sa SFW Program na inilunsad dito noong 2022.
Halos 500 naman ang nag-apply sa programa at matapos ang masusing screening ng mga aplikante ay nakapagpalipad ng 198 SFW na magtatrabaho sa loob ng limang buwan sa nasabing bansa.