News »


Iba�t ibang aktibidad, tampok sa 84th National Book Week

Published: November 28, 2018 04:03 PM



Ipinagdiriwang sa linggong ito ang 84th National Book Week, kaya naman ilang aktibidad ang inihanda ng City Library upang maipalaganap ang pagmamahal sa pagbabasa at pagpapahalaga sa literatura.

Bilang panimula ng selebrasyon, isang miyembro ng Alitaptap Storytellers Philippines ang bumisita sa lungsod para magbahagi ng kanyang talento sa pagkukuwento o storytelling.

Aliw na aliw ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan na nakinig sa kuwentong inilahad ni Alitaptap Storyteller Ethel Ray Escasinas sa Flag Raising Ceremony nitong Lunes (Nobyembre 26).

Nag-enjoy rin sa storytelling ang 400 mag-aaral ng Kaliwanagan Elementary School sa kuwentong “Ang Pambihirang Sumbrero” na isinalaysay ni Escasinas.

Nagbahagi rin siya ng kanyang kaalaman sa pagkukuwento sa ilang guro sa Storytelling Workshop na ginanap sa City Library.

Samantala, isang “ZumBOOK” - Zumba for a Cause ang idinaos sa Walter Mart kahapon (Nobyembre 27) kung saan nagbigay ang mga kalahok ng mga libro at iba pang educational materials na ipapamigay sa mga bata.