ICATSAA Meet 2018
Published: November 15, 2018 04:35 PM
Pormal nang binuksan ang Intercollegiate and Technical Schools Athletic Association o ICATSAA Meet 2018 nitong Lunes (Nobyembre 12) kung saan magtutunggali sa larong Basketball, Volleyball, Badminton, Table Tennis, at Open Chess ang walong pribadong paaralan sa kolehiyo.
Kabilang dito ang Core Gateway College, Inc. (CGCI); College for Research & Technology (CRT) San Jose; San Jose Christian Colleges; Don Bosco Training Center, St. Augustine Foundation Colleges, STI San Jose, MKS Advanced Training Institute, at Nieves Center for Education.
Samantala, nagpamalas ng galing at humataw sa Hip-Hop Dance Competition ang mga kalahok na mag-aaral sa opening program na ginanap sa Pag-asa Sports Complex. Nagkampeon dito ang STI, sumunod ang Don Bosco, at pangatlo ang CGCI.
Rumampa rin ang mga kinatawan ng mga paaralan sa Mr. and Ms. ICATSAA at nakuha nina Neil Joshua Natividad ng STI at Christine Arabelle Benito ng CRT ang titulo para sa taong ito.
Dumalo sa programa sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Glenda F. Macadangdang, at City Councilors Trixie Salvador, Jennifer Salvador, Victoria Adawag, Wilfredo Munsayac, at Atty. Ronald Lee Hortizuela.
Sa mensahe ng Punong Lungsod, binati niya ang mga kabataan sa ipinakita nilang mataas na energy at pinaalalahanan ang mga ito na mag-ingat. Hinikayat din niya ang mga paaralan na patuloy na makiisa sa mga programa ng Lokal na Pamahalaan.
Paalala rin ni Sports Development Office- Randy Macadangdang sa mga mag-aaral na i-enjoy ang ICATSAA at huwag magsasakitan o mapipikon sa laro.
Inaasahang magtatapos ang ICATSAA Meet bukas, Nobyembre 16.