News »


Ika-16 na Pagkatatag ng Panganakang Lungsod San Jose

Published: May 08, 2023 04:19 PM



Labing-anim (16) na taon nang naghahatid ng serbisyo publiko ang Panganakan ng Lungsod San Jose at nitong umaga, Mayo 8, ipinagdiwang ang anibesaryo ng pagkakatatag nito sa City Health Compound.

Sinimulan ang programa sa pamamatigan ng isang misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Vic Kevin Ferrer.

Dinaluhan ito ni Mayor Kokoy Salvador, City Health Officer Dr. Rizza Esguerra at mga kawani ng City Health Office (CHO), ilang nagdadalang taong ina, at City Councilor Dr. Susan Corpuz.

Sa mensahe ni Mayor Kokoy, hinikayat niyang ipagpatuloy lamang ng mga staff ng Panganakan ang mabuting serbisyo na ibinibigay para sa taumbayan.

Aniya, hindi lamang mga taga-San Jose ang napaglilingkuran kundi maging ang mga residente mula sa mga karating bayan dahil bukod tangi umanong San Jose lamang ang may Panganakang Bayan na bukas sa publiko 24/7.

Ibinalita rin ng Punong Lungsod na nakatakda na ang renovation ng naturang pasilidad.

Nakatanggap din ng munting regalo ang mga inang buntis na dumalo at pinaalalahanan sila tungkol sa kahalagahan ng pagpaplano ng pamilya upang mabigyan ng tamang nutrisyon at edukasyon ang mga anak.