News »


Ika-7 POWAS ng Kita-Kita, Pinasinayaan

Published: May 04, 2023 04:20 PM



Isa na namang Potable Water System (POWAS) ang opisyal na binuksan sa Brgy. Kita-Kita kaninang umaga (Mayo 4).

Pinasinayaan ito nina City Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador kasama ang ilang konsehal ng lungsod.

Nagpasalamat naman ang magsisilbing tagapangulo ng mamamahala sa nasabing POWAS na si Nenita Bernatcha.

Samantala, ipinaalala ni Mayor Kokoy na dapat nilang alagaang mabuti ang naitayong POWAS para mapakinabangan nang mahabang panahon.

Ayon sa opisina ng POWAS, ito ang ika-pitong POWAS na naitayo sa nasabing barangay at sa kabuoan ay mayroon nang 80 POWAS na opisyal na binuksan.