News »


Inagurasyon ng Potable Water System - TOMPOWAS

Published: November 26, 2021 03:00 PM



Isinagawa ang pormal na inagurasyon ng ikalawang Potable Water System (POWAS) sa Brgy. Sto. Tomas na tinawag na TOMPOWAS kahapon, Nobyembre 25, gayundin ang panunumpa ng kanilang Lupon ng Katiwala.

Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang aktibidad kasama si Punong Barangay June M. Maranan at ilang opisyal ng Sangguniang Panlungsod.

Galing sa Development Fund ng Lokal na Pamahalaan ang isandaang porsyento ng pondo sa pagpapatayo ng POWAS, na layuning makapagbigay ng malinis na supply na tubig lalo na sa malalayong lugar.

Payo ng Punong Lungsod sa mga residente na pag-ingatan ang POWAS dahil mapakikinabangan nila ito ng mahabang panahon.

Dagdag pa niya, hangad din ng proyekto ang “people empowerment” sapagkat kapag naitayo na ito, mga member-consumer na ang mamamahala sa pagpapatakbo at pagmementina nito.

Inaasahang sa susunod na linggo ay pasisinayaan ang isa pang POWAS sa barangay Sto. Nino 3rd upang patuloy na matugunan ang pangangailan sa malinis na tubig sa iba’t ibang komunidad.