News »


Inagurasyon ng POWAS sa Brgy. Bagong Sikat

Published: October 06, 2022 05:00 PM



Nadagdagan muli ang bilang ng makikinabang sa proyektong Potable Water System (POWAS) nang opisyal na pasinayaan ang kauna-unahang POWAS sa Brgy. Bagong Sikat kaninang umaga (Oktubre 6).

Pinangunahan nina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama sina City Councilor Vanj Manugue, City Councilor Trixie Salvador-Garcia, City Councilor Ed Agliam, at Bagong Sikat Brgy. Captain Norberto de Leon ang inagurasyon ng nasabing POWAS.

Kasabay nito ay nanumpa rin sa katungkulan ang mga opisyal na mamamahala sa POWAS doon, kung saan magsisilbing tagapangulo si Simeon de Leon.

Ipinahayag din ni Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali na sisikapin ng lokal na pamahalaan na makapagtayo ng isa pang POWAS sa barangay upang mas dumami ang magkaroon ng access sa ligtas at malinis na tubig.

Dagdag pa ni Mayor Kokoy, dahil sa tumataas na presyo ng koryente, susubukang gawing solar powered ang mga POWAS upang bumaba ang magiging bayarin sa paggamit nito.
Ito na ang ika-71 POWAS na napasinayaan sa lungsod mula nang umpisahan ang proyektong ito noong 2016.