Inauguration and Blessing of Child-Minding Center (CMC)
Published: March 17, 2023 03:15 PM
May bago nang palaruan ang mga tsikiting sa City Hall matapos opisyal na pasinayaan ang Child-Minding Center (CMC) dito ngayong araw (Marso 17).
Pinangunahan nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador ang ribbon-cutting ceremony, habang binasbasan naman ito ni Rev. Fr. Getty Ferrer.
Binuo ang CMC para mabigyan ng isang ligtas na lugar at maalagaan ang mga batang anak ng mga opisyal at empleado ng lokal na pamahalaan, lalo na sa mga pagkakataong wala silang mapag-iwanan ng kanilang maliliit na anak.
Maging ang mga anak ng mga kliyente na may transaksiyon sa munisipyo ay maaaring iwanan dito.
Bukas ang CMC mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon para magbigay ng custodial care sa mga sanggol na apat na buwan hanggang limang taong gulang na bata.
May play area, rest area, at study area sa center kung saan iba’t ibang educational toys, libro, at iba pang gamit para makapaglibang ang mga batang pupunta roon.
Mayroon ding lactation area rito bilang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga nagpapasusong ina at kanilang sanggol.