News »


Inauguration ng POWAS-Pinili

Published: November 20, 2020 12:00 AM



Pinasinayaan ang pang-41 Potable Water System (POWAS) sa lungsod kahapon, Nobyembre 19, sa Brgy. Pinili sa pangunguna ni Punong Lungsod Kokoy Salvador kasama si Punong Barangay Primo Espiritu.

Ito ang ikalawang POWAS sa naturang barangay na isang taon na ring nag-ooperate at naseserbisyuhan ang 110 konsyumers.

Nakapagpundar na rin ang Lupon ng Katiwala doon ng generator set kaya’t tuloy-tuloy ang daloy ng supply ng tubig sa kanila kahit mawalan ng kuryente.

Tiniyak naman ng City Health Office - Sanitation Division na sinusuri kada buwan ang kalidad ng tubig sa POWAS para mapanatali at matiyak na ligtas inumin ang tubig mula rito. 

Siniguro din ng City Engineering Office na bukas ang kanilang tanggapan upang magbigay ng tulong kung mayroon mang teknikal na problemang kakaharapin ang mga namamahala sa POWAS. 

Paalala ng Punong Lungsod na ingatan ang proyektong ito na lubhang kapaki-pakinabang sa araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan.

Dumalo rin sa inagurasyon ng “Pini-POWAS” sina Vice Mayor Glenda F. Macadangdang; mga konsehal Amang Munsayac, Trixie Salvador, Roy Andres, Susan Corpuz at Derick Dysico;  at mga opisyal ng barangay.