News »


Inauguration of Barangay Road - Zone 2, Sitio Paraiso, Sto. Niño 3rd

Published: December 05, 2023 06:00 PM



Pinasinayaan ang bagong gawang kalsada sa Zone 2, Sitio Paraiso, Brgy. Sto. Niño 3rd nitong Lunes (Disyembre 4) sa pangunguna nina Mayor Kokoy Salvador at Department of the Interior and Local Government (DILG) Nueva Ecija Provincial Director Atty. Ofelio Tactac, Jr., kasama sina City DILG Director Elria Hermogino at City Engineer Esteban Valdez Jr.

Naipasemento ang naturang daanan mula sa natanggap na insentibo ng lokal na pamahalaan sa pagkamit nito ng 2022 Seal of Good Local Governance (SGLG).

Kamakailan ay muling iginawad ang naturang parangal sa Lungsod San Jose para sa taong 2023.