News »


Infant and Young Child Feeding Implementers Training | 14 Nov. 16

Published: November 17, 2016 12:44 PM



Dagdag kaalaman para sa tamang pagkain ng mga bata, itinuro

Nagsasagawa ngayong linggo ng pagsasanay ang City Nutrition Office para sa mga Infant and Young Child Feeding Implementers ng mga barangay sa lungsod upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa importansya ng breast feeding at mga masusustansyang pagkaing kailangan ng mga inang nagpapa-breastfeed.

Tinalakay din dito ang hindi magandang dulot ng artificial feeding o pagpapasuso ng hindi gatas ng ina.

Ito’y isa pa rin sa magagandang layunin ni Mayor Kokoy Salvador na mabigyan ng maayos at magandang serbisyong pangkalusugan ang mga mamamayan ng San Jose.

Isinasagawa ang ganitong pagsasanay para mabigyan ng wastong nutrisyon ang mga bata dahil malaki umano ang epekto nito sa kanilang pag-iisip at pangangatawan.

Kaugnay nito, ibabahagi naman nila sa kanilang mga kabarangay ang kanilang napag-aralan sa naturang aktibidad para magtulong-tulong sa programang ito.
Nagsimula nitong Lunes ang nasabing pagsasanay at magtatapos sa Biyernes kapag nakumpleto na ang mga sesyon na kanilang target na talakayin.
(Jennylyn N. Cornel)