News »


Inter-Barangay Basketball League Championship

Published: September 11, 2023 04:08 PM



Pinataob ng koponan ng Abar 1st ang Sto. Niño 2nd sa championship game ng Inter-Barangay Basketball League (22 Under) nitong ika-7 ng Setyembre sa Pag-asa Sports Complex.

Natapos ang mainit na sagupaan sa pagitan ng dalawang koponan sa iskor na 88-69.

Kinilala naman bilang Most Valuable Player (MVP) sa liga si Charles Ronwell Esguerra ng Abar 1st Team.

Isa rin si Esguerra sa Mythical 5, kasama sina Geraldson Patani (Abar 1st), John Lloyd Fernandez (Sto. Niño 2nd), Mamot Nesperos (Sibut), at Icko Yambao (Malasin).

Itinanghal ding Miss Inter-Barangay 2023 ang pambato ng Abar 1st na si Andrea Reyes.

Samantala, panalo naman ang Sibut Team kontra Malasin sa Battle for Third.

Buong suportang nakibahagi sa naturang aktibidad si Mayor Kokoy Salvador na nagpaalala sa mga kalahok na laging ipamalas ang sportsmanship at magpakita ng magandang laro.

Nag-umpisa ang Inter-Barangay Basketball League (22 Under) noong Hunyo 14 na sinalihan ng 38 koponan mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.