News »


Internal Control System for GAP, pinag-aralan

Published: October 03, 2018 04:46 PM



Ginanap kamakailan sa Hotel Francesko ang Internal Control System for Good Agricultural Practices (GAP) Training na binuo ng Agricultural Training Institute – Regional Training Center sa pakikipagtulungan ng City Cooperative Development Office at City Agriculture Office.

Kasama sa naturang pagsasanay ang tatlumpong miyembro ng KALASAG Farmers Cooperative at Onion & Vegetable Producers Cooperative (OVEPCO).

Ilan sa mga tinalakay rito ang soil management, seed and seedlings, use of fertilizers, pest and disease management, proper irrigation, use of pesticides, harvesting and post harvesting.

Layunin ng pagsasanay na mas mapalaki pa ang magiging ani ng mga magsasaka sa kani-kanilang produkto at makatipid sa gastusin sa pamamagitan ng paggamit ng mga organikong pataba.

(Sheryl Ramos)