News »


International Day ng PWD, idinaos

Published: December 07, 2018 03:38 PM



Ipinagdiwang nitong ika-6 ng Disyembre sa Pag-Asa Sports Complex ang International Day of Persons With Disabilities (PWD) na naglalayong bigyan ng pagkilala ang mga may kapansanan.

May temang “Disability: Breaking Down Barriers” ang pagdiriwang na dinaluhan ng mga PWD mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Mas naging espesyal ang okasyon dahil isinabay rin ang kanilang Christmas Party at paggawad ng parangal sa mga nagwagi sa Most Beautiful Lantern Contest, Best Bulletin Board and Organizational Chart, at The Honorable Mario O. Salvador Active Leadership Award for Barangay PWD Presidents.

Napiling Most Beautiful Lantern mula sa 23 kalahok ang parol ng Malasin habang ang Kita-Kita naman ang nagkamit ng unang puwesto para sa Best Bulletin Board and Organizational Chart mula sa 29 na kasali.

Nakipagsaya at nagbigay naman ng mensahe ang mga panauhing pandangal na sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Glenda Felimon-Macadangdang, at nagpadala naman ng mga regalo si Cong. Micaela S. Violago.

Pinangunahan ng PWD Affairs Office ang naturang programa katuwang ang Local Council on Disability Affairs.