News »


International Human Rights Day, Ginunita Ng Mga Taga San Jose

Published: December 13, 2016 04:46 PM



Alinsunod sa adbokasiya ng Punong-Lungsod Mario Kokoy Salvador na sa Bagong San Jose lahat ng mamamayan ay may karapatan, ipinagdiwang ng mga San Josenians ang International Human Rights day noong Sabado, Disyembre 10, 2016. Sinuportahan ng ibat-ibang tanggapan at organisasyon ang pag-alala sa nasabing pagdiriwang sa pangunguna ng Extension Office of the City Mayor,

Tampok sa programa bago tinalakay ang Violence Against Women and Children ay ang kwento ng batang itinago sa pangalang “Sarah”, 11, na limang ulit na pinagsamantalahan ng kaniyang malayong kamag-anak na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nahuhuli. Nanawagan ang ina ni “sarah” ng hustisya at mabilis na aksiyon mula sa mga pulis at kinauukulan para sa nangyari sa kanyang anak.
Ilang din sa mga naganap ay ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Kalinga Homeowners Association, pagtalakay sa Housing Rights, at paglulunsad sa San Jose Human Rights Advocates, Yaman ng San Jose-Kabataan at Yakag Sa Katarungan.

Nagbigay naman ng mensahe ang butihing Punong Lungsod Mario Kokoy Salvador at kanyang ipinarating ang kanyang buong suporta at pag-alalay sa mga mamamayan ng San Jose na walang permanenteng tirahan.

Dagdag pa niya, mas maiiwasan ang pang-aabuso sa mga menor de edad kung may maayos na tirahan ang bawat pamilya. (Melody Bartolome)