Job Fair 2022
Published: August 10, 2022 01:00 PM
Hindi magkamayaw sa dami ng taong dumagsa sa Pag-Asa Sports Complex para mag-apply ng trabaho sa ginanap na Job Fair ngayong ika-10 ng Agosto, kasabay ng pagdiriwang ng ika-53 Araw ng Lungsod San Jose.
Trabahong lokal at overseas ang handog ng lokal na pamahalaan sa pakikipagtulungan ng Public Employment Service Office (PESO) – San Jose City sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA), katuwang ang Vantagehunt.
Bago opisyal na ilunsad ang naturang aktibidad, nagsagawa muna ng maikling programa roon kung saan nagpahayag ng pambungad na pananalita si Vice Mayor Ali Salvador at nagbigay naman ng mensahe si Mayor Kokoy Salvador.
Ayon kay Mayor Kokoy, natutuwa siya sa dami ng tao na dumating sa Job Fair at nagpasalamat sa mga ahensiyang tumulong sa LGU para sa maisagawa ang programang ito.
Mahigit 40 kompanya at ahensiya ang nakilahok sa job fair at maaaring mag-apply ng trabahong lokal o abroad.
Samantala, nagpaalala naman si Atty. Rommelson Abbang, Chief of Operations and Surveillance Anti-Illegal Recruitment Division Branch ng POEA sa mga jobseeker na maaaring beripikahin sa kanilang ahensiya at sa POEA website ang mga lehitimong recruitment agency para hindi ma-scam o mabiktima ng mga illegal recruiter.
Nagkaroon din ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) hinggil sa pagpigil sa illegal recruitment ang mga kinatawan ng POEA, OWWA, DOLE, TESDA, at Mayor Kokoy bilang kinatawan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod San Jose.
Dumalo naman sa programa upang sumuporta at nagbigay ng mensahe sina City Councilor Vanj Manugue, Mawie Munsayac, Patrixie Salvador-Garcia, at Doc Susan Corpuz.