News »


Job Fair, Trade Fair, Service Caravans at Free Services, Dinagsa

Published: August 14, 2017 09:03 AM



Dinumog ng mga aplikante ang isinagawang Job Fair ng Peso kahapon, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Lungsod San Jose.

Naging katuwang ng Public Employment Service Office (PESO) ang halos 40 kumpanya kabilang na ang ilang overseas recruitment agencies, BPO’s, mga lokal na kumpanya gaya ng Waltermart, Magic, Savemore, Robinsons at marami pang iba pa.

Nagpasikat naman ang higit sampung pwesto ng mga micro-entrepreneurs na nagbebenta ng iba’t ibang produkto na gawa sa lungsod sa Agro Trade Fair na ginanap sa PAG-ASA Sports Complex noong Agosto 9 & 10.

Ilan sa mga produktong ipinagmalaki rito ay bags, sandals at tsinelas na gawa sa water lily, accessories, mga gamit pang-display sa bahay, chicharon, gatas ng kalabaw, sweet delicacies gaya ng pastillas, cassava cake, puto, maja blanca at marami pang iba.

Samantala, patok din ang iba’t ibang service caravans na inimbitahan ng Lokal na Pamahalaan upang magbigay ng serbisyo sa mga San Josenio para sa City Day. Kabilang dito ang NBI Clearance na sa kauna-unahang pagkakataon ay dumayo sa lungsod, Professional Regulations Commission, at License to Own and Possess Firearms (LTOPF).

Siksikan at halos magka-tulakan naman ang mga taong tumangkilik ng Free Late Registration of Live Birth at Free Issuance of Civil Registry Documents sa Local Civil Registry Office kahapon, August 10, sa City Hall.

(Ella Aiza D. Reyes)