News »


Jollibee Group Foundation bumisita sa KALASAG MPC

Published: May 04, 2023 06:00 PM



Dumayo ang Jollibee Group Foundation (JGF) sa lungsod ngayong araw (Mayo 4) para bisitahin ang KALASAG Multi-Purpose Cooperative (KALASAG MPC).

Kasamang bumisita rito sina Jollibee Foods Corporation (JFC) Chief Sustainability Officer (CSO) Pepot Miñana at Zenith Foods Corporation Board of Directors Edwin Ayad at Bennette Rocha.

Layunin ng naturang pagbisita na mas patatagin pa ang relasyon ng JFC, mga magsasaka, at lokal na pamahalaan na nagpapatupad ng Farmer Entrepreneurship Program sa lungsod.

Malugod namang sinalubong at ipinasyal ni Mayor Kokoy Salvador ang mga panauhin at ipinakita sa kanila ang bagong onion cold storage at iba pang pasilidad ng naturang kooperatiba.

Naroon din si Vice Mayor Ali Salvador at nagpahayag ng kanyang mensahe na nawa’y mas lalong tumagal ang relasyon sa pagitan ng dalawang grupo.

Ayon naman kay Miñana, natutuwa sila na makita ang mga prosesong may kinalaman sa agrikultura, lalo na sa mga produktong inaangkat nila mula sa KALASAG MPC.

Dagdag pa ng mga ito, nais din nilang makilala nang personal ang mga manggagawa, miyembro, at namumuno ng KALASAG MPC.