K-Building Phase 2 sa San Agustin, pinasinayaan
Published: August 30, 2022 11:00 AM
Opisyal nang binuksan ang pangalawang K-Building sa San Agustin Integrated School nitong umaga, Agosto 30, sa Inauguration and Turn-over Ceremony na dinaluhan nina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, Schools Division Superintendent Johanna Gervacio, at Barangay Captain Regino Apostol.
Mayroon dalawang palapag ang gusali at anim na silid-aralan na naglalayong maglaman ng kulang 300 na estudyante mula sa baitang 8, 10, 11, at 12.
Sa isang munting programa, naglahad ng pasasalamat sina Roy Vizon, OIC ng Senior High School at si Victoria Rombo, OIC ng Junior High School.
Dagdag nila, umaasa sila sa suporta ng lokal na pamahalaan para sa mga karagdagan pang building sa mga susunod na taon.
Binigyan naman sila ng katiyakan nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali na isa sa prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ay edukasyon at mga imprastrakturang makapagtataas ng kalidad nito.
Ayon kay Mayor Kokoy, isinusulong niya ang pagkakaroon ng Phase 3 ng K-building sapagkat layunin din niyang mapunuan ang pagkululang sa silid-aralan sa mga pampublikong paaralan.
Dagdag naman ni Vice Mayor Ali, ang Sangguniang Panlungsod ay handang suportahan ang mga ganitong klase ng proyekto na may mabuting intensyon. Ibinahagi rin ni Vice Mayor Ali ang kanyang pananabik na makita ang mga estudyanteng ginagamit ang nasabing building.
Sinundan ang maikling programa ng ribbon cutting at pagbabasbas sa naturang istraktura sa pangunguna ni Rev. Pastor John Valdez.