News »


K Outreach - Brgy. Canuto Ramos

Published: July 21, 2023 05:22 PM



Patuloy sa paghahatid ng serbisyo ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan kung saan binisita ngayong araw (Hulyo 21) ang Brgy. Canuto Ramos.

Nakisaya at bumati rito sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal ng lungsod.

Ipinakilala rin ni Mayor Kokoy ang bagong hepe ng PNP San Jose na si PLtCol Ariel Ventura Enriquez.

Samantala, tumulong naman sa pagbibigay ng dental services si Dr. Oyo Donayre ng Donayre Dental Clinic at Public Attorney's Office para sa libreng legal advice.

Dadayo ang K Outreach Program sa Brgy. Porais sa susunod na Biyernes (Hulyo 28).