K Outreach, muling naghatid-saya sa Abar 1st
Published: October 29, 2018 04:20 PM
Patuloy pa rin ang pag-arangkada ng K-Outreach Program para mabigyan ng kasiyahan ang mga mamamayan sa lungsod.
Nitong Oktubre 24, ang mga residente ng Juana Street, Brgy. Abar 1st ang hinandugan ng iba’t ibang libreng serbisyo at mga taga-St. Cecilia Subdivision naman nitong Oktubre 26.
Ilan sa mga ito ang medical, dental, at veterinary services. Nagpamigay rin ng groceries, bigas, seedlings, contraceptives, pagtulong sa mga gustong magparehistro, pag-alalay sa mga pangangailangan ng mga senior citizen at PWDs, pagpapapayo tungkol sa pabahay, at marami pang iba.
Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang programa kasama ang mga opisyales ng Sangguniang Panlungsod. Nagbigay sila ng mensahe sa mga mamamayan at binigyang-diin na patuloy na makatatanggap ng biyaya ang mga taga-San Jose.
Lalo pang sumigla ang ginanap na akitibidad nang saluhan nina Mayor Kokoy at iba pang mga opisyal ang mga residenteng dumalo rito para sa isang masarap na boodle fight.