News »


K Outreach para sa JODA

Published: June 05, 2023 04:45 PM



Nagsagawa ng espesyal na K Outreach Program ang lokal na pamahalaan para sa mga miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Association (JODA) sa Central Terminal nitong ika-2 ng Hunyo

Bukod sa mga libreng serbisyong medikal at dental mula sa Ospital ng Lungsod ng San Jose at City Health Office, mayroon ding konsultasyon para sa mata mula sa DRS Save Eye Center, libreng gupit kasama ang Philippine Army, masahe, at bigas.

Ayon kay Mayor Kokoy Salvador, ito ang kauna-unahang K Outreach para sa mga jeepney driver para sa kanilang kalusugan na makatutulong din upang mas maging ligtas ang kanilang pamamasada.

Nagpasalamat naman ang pangulo ng JODA na si Greg dela Cruz Gracia sa handog ng lokal na pamahalaan para sa kanilang samahan.

Samantala, magbabalik naman ang pag-iikot ng K Outreach sa mga barangay sa Biyernes, Hunyo 9 kung saan dadayuhin ang Brgy. Manicla.